Sarap Ng Walang Pasok
Posted at 06:58 AM
my long weekend...
Sabado. pagkatapos ng german class, nagpunta kami sa Greenhills ni Tan. first time ko. ganun pala dun. nung nagtanong ako ng presyo ng isang shirt, ang sagot agad sakin, "350. magkano ang tawad mo?" ang tindi. sila pa ang may gustong tumawad ako e ang baba na nga ng presyo. kaya nasiyahan ako sa mga nangyari. sana umabot pa ang pera ko hanggang 15th.
Linggo. nakatulog ako til 10. sarap. pinanood ko uli yung "Closer." sobrang tinamaan ako dun sa cnabi ni Jane Joe (Alice). "I don't love you anymore. Goodbye." lalo na nung sinabi ni Jude Law, "I love you. Don't you say that." tapos she replied, "Where? Where is this love? I don't see it. I don't feel it. I can hear some words. But I can't touch it. Tell me where." Ouch!
Tapos... nung hapon, nag-date kami ni mommy. nagdala kami ng isang payong na slightly open lang pag binuksan. tapos lumakas yung ulan. nasa Alabang na kami. tapos bumaha dun sa way papunta festival mall. shet talaga. minsan lang kami mag-date ni mommy tapos lumusong pa kami sa baha. (enter: Flood - jarsofclay) in 4 months, twice na ko lumusong sa baha. ayun, enjoy cya. syempre, wala cya ginastos dun e. hehehe
Lunes. nag-date kami ng ex ko. 40 y/o virgin. "You know you're gay when you like Coldplay." totoo ba yun? yung bida dun cya rin ba yung news anchor na nakakatawa sa Bruce Almighty? yung pinagtripan ni Bruce?
Martes. humingi sakin ng baon daddy ko. iba na talaga mundo ko ngayon, parang ako na ang magulang. sunod ako sa sementeryo ng hapon, pero napaaga kasi tumawag si daddy, naiwan nya raw wallet nya hindi cya makaalis dun. inihabol ko. at nakita ko, marami pala cyang pera. loko to si daddy. mana sakin. every 30mins kumakain ako. parang fiesta. eh adik pa naman ako sa Andok's manok, egg sandwich, fried chicken, spag, etc.
observation: everyday, lagi ko ina-adjust yung belt ko. lumalaki na talaga waistline ko. tsk tsk tsk
