loooooong day
Posted at 04:08 AM
fri 1030
dumating ako skul. late prof ko.
fri 1200
excuse kami sa software eng class namin. sumali kami sa elimination ng master of the masters of CoE
fri 1300
in-announce ang top ten finalists para sa quiz bee. tinawag ang pangalan ko. yipee! within 15 mins umpisa na raw yung contest. problem: ang huli kong kain ay 630am pa.
fri 1400
late nag umpisa yung lintik na contest. meron pa ko klase ng 1500. excuse na raw kami. i'm contestant no.6. nakaupo ako sa tabi ng mga judges. lahat naging prof ko na. nakakahiya.
fri 1420
2nd highest ako sa easy round. pero pagdating ng average round. isang mahabang linya ang nilagay sa tally board sa row no. 6. BOKYA AKO! take note: ako lang ang zero.
fri 1440
isang tanong sa difficult round na dalawa lang kaming nakasagot. subalit wala ring magagawa ang 5pts na yun kasi nga bokya ako sa average round. in short, natalo ako.
***ang motivation ko lang naman manalo ay yung cash prize na 3000 pesos na maaari kong ubusin kakainom sa octoberfest kinagabihan.
fri 1800
nagpunta kami ni tan sa rob's place. sale. bumili ako ng bagong bag. ang cheap daw ng taste ko.
fri 2100
hinatid kami ni jacq sa bluewave. ngayon lang ako nakasakay sa crosswind na babae ang nagda-drive. kaya, nagdasal ako.
fri 2130
paikot ikot kami ni christian tapos nakigulo sa jamming. pero wala kaming table. at wala pa kaming kakilala. para kaming loner.
fri 2200
nakita ko ang high skul friends ko na sila teresa, ronaat zet.
fri 2210
dumating ang tropa ko ngayong college. nakahanap kami ng table. hindi tlaga namin hinanap, inagaw namin nung tumayo yung dalawang pangit.
sat 0000
nagwawala kami sa dance floor. wuhoo!!! happy!!! lahat ng tao bangag!
sat 0100
hinatid na kami isa-isa ni mesiah. (babae cya, ang meaning ng name nya savior. pero mukhang madidisgrasya kami pag cya nagda-drive) astig. feeling road trip.
sat 0220
dumating ako sa bahay. tulog na sila. walang nagsermon.